Panahon ng dekadang 1920's kung saan ang mga babae, maging sa kilos at salita, ay kontrolado ng asawa at ng mga alituntunin ng lipunan. Hanggang sa pagsapit ng tatarin. Ang katagang tatarinay hango sa salitang tadtarin at sa pelikulang ito, ang tinutukoy ay ang pagtatadtad ng mga babae sa mga gumagapos sa kanilang katauhan at kalooban. Ito'y isang sinaunang ritual, isang puwersang di mapigilan, kung saan ang mga babae ay nagwawala at sinasaniban ng kakaibang lakas upang mabigyang katuparan ang kanilang mga pagnanais at pagnanasa…

WATCH THIS MOVIE